Whisper Gen

#14: alergi

Posted by: reasondeceives on: November 29, 2007

 

may ibinubulong sa
akin ang alergi tuwing
ako’y nangangati

marahan muna itong
namamaybay sa
aking mga kamay at
mag-iiwan ng baga
sa aking mga palad

dadamhin ko ang
pamamaga na kanyang
ibubukol sa aking mga
mata habang unti-unting
naiipon ang kati sa
aking talampakan

guguhit ang pamumula
sa bawat gurlis na
kanyang pagdidingasin

ngunit kung bakit lalu
siyang humahaplit
tuwing siya’y aking
kakamutin

at mababanaag ko na
lamang ang hagalpos
ng tuksuhan sa loob
ng opisina

naaaliw sila
sa aking hitsura

Leave a Reply


  • None
  • Mr WordPress: Hi, this is a comment.To delete a comment, just log in, and view the posts' comments, there you will have the option to edit or delete them.

Categories